Milyon-milyong tao sa buong mundo and nag diriwang ng pasko sa iba`t ibang kadahilanan. ang ilan ay nasisiyahan makasama ang mga kaibigan
at pamilya. ang iba ay nagigising sa Diyos o abala sa pagtulong sa mahihirap o
nangangailangan.marami ang naniniwala na ang pasko ay pagdiriwang ng
kapanganakan ni Jesus.pero ayon naman sa iba ay walang nakaaalam sa petsa ng
kaniyang kapanganakan.ang pilipinas ay natatangi sa buong mundo bilang may
pinakamahabang pagdiriwang ng pasko na kung saan ang mga awit pang pasko ay
naririnig mula Setyembre hanggang sa
sumunod na taon. “pasko na naman,o kay tulin ng araw….paskong nagdaan tila ba
kung kalian lang……”isa lng yan sa mga madalas natin marinig na kinakanta ng mga batang mahilig mag carolling .kung tutusin,ang kinakanta nila ay dalawa o
tatlong uri ng kanta tapos,paulit-ulit na lang nila itong kakantahin na para
bang mga sirang plaka.sa araw ng pasko ang tradisyonal na gawaing pampamilya ay
ang mag misa sa umaga pagkatapos ng huling simbang gabi o tinatawag nilang Misa de Aguinaldo. pagkatapos ng misa, ang mga pamilyang Pilipino ay bumubisita sa
kanilang mga kamag-anak ,ang iba sa mga ninong at ninang.sinisimulan ito sa
pagmamano bilang respeto sabay ng pag-abot ng mga reagalo na kadalasan ay perang bagong imprenta ng Bangko sentral ng pilipinas. pagkatapos nito ay
nagsasalo ang buong angkan sa tradisyonal na tanghalian. sa hapon, ang ibang
pamilya ay umuuwi na o pumunta sa pampublikong lugar tulad ng parke, mall,
sinehan at tabing dagat,mula noon pa naging tradisyonal na ng mga sinehan sa
maynila at iba pang lugar sa pilipinas , na hindi magpalabas ng pelikulang
banyaga at ito ay tinatawag nilang Metro Manila Film Festival.isa ring
kakaibang tradisyon ay nagpapaputok ng rebentador,kwitis,at iba pa sa araw ng
pasko pag sapit ng alas 10 ng gabi ng bisperas ng pasko, nagsisimba ang lahat
na mga Catholic para sa huling simbang gabi bilang pasasalamat sa biyayang
binigay sa nagdaang taon at para ipagdiwang ang kaarawan ni Jesus. ang mga
Pilipino,tulad ng ibang nagdidiwang ng pasko sa buong mundo,ay nagsasalo
pagsapit ng alas 12 ng hating gabi sa tradisyonal na Noche Buena. ang tipikal
na handang Pilipino ay ang queso de bolo,inuming tsokolate,hamon de bola,at
ibang handa na impluwensiya ng kanluran gaya ng Spaghetti,Macaroni at sa
Silangan na man ay ang mga Lumpiang Shanghai,Pancit at iba pa.pagkatapos ng
kainan ay binubuksan na ang mga regalo.sana,araw-araw natin gunitain ang
kapaskuhan.sana,araw-araw,handa ang ating
mga puso para magpatawad at magmahal. Advance maligayang pasko sa ating lahat.


2 comments:
(y)
Nice yang..
Post a Comment